-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si TikTok CEO Kevin Mayer dahil sa banta ng pag-ban sa kaniya ni US President Donald Trump.

Sinabi nito na naging masakit sa loob niya ang pagbibitiw sa puwesto dahil sa nangyayaring pamumulitika.

Makailang beses niya umano pinang-isipan ang desisyon bago ito tuluyang magbitiw sa puwesto.

Kinuha ng Chinese video sharing app si Mayer na dating Disney executive apat na buwan na ang nakakalipas.

Siya ang naging chief operating officer ng ByteDance ang parent company ng TikTok.

Magugunitang inakusahan ni Trump ang nasabing kumpanya na nag-iispiya at kumuha ng mga pribadong impormasyon sa kanilang mga users na itinanggi naman ng kumpanya.