-- Advertisements --
Desisdido ang Chinese video app na TikTok na kuwestiyunin sa korte ang ban na ipinataw sa kanila ni US President Donald Trump.
Nakasaad kasi sa executive order ni Trump na ipagbabawal na ang transakyon sa may-ari ng TikTok na ByteDance mula pa noong Setyembre.
Ikinabahala kasi ng Washington na baka maipasa ng nasabing kumpanya ang mga data ng kanilang American users sa Chinese government.
Nauna ng pinabulaanan na ito ng kumpanya.
Sinubukan umano ng TikTok na makipag-usap sa White House subalit hindi sila pinapansin.
Noong nakaraang araw kasi naghain na rin ng reklamo ang grupo ng Chinese-Americans laban sa parehas na ban ni Trump sa social media app na WeChatt na pag-aari ng Chinese firm na, Tencent.