-- Advertisements --
Pagbabawalan ng China-based short-form video platform na TikTok ang mga political content at political advertisement kasabay ng 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Tiktok Philippines public policy manager Peachy Paderna, ito ay upang maisulong ang isang social media platform na magiging daan para magkakalapit ang mga tao at hindi magkakawatak-watak.
Nais aniya ng TikTok na maging instrumento para sa positibong diyalogo sa pagitan ng mga user nito.
Tiniyak naman ni Paderna na babantayan ang mga papasok na video sa TikTok, kasama na ang pagbabantay laban sa misinformation at disinformation sa kasagsagan ng kampaniya.