Nakatakda ng i-ban ang sikat na platform sa internet na TikTok sa United States of America na pag-aari ng isang Chinese company na ByteDance sa linggo, Enero 19, 2025.
Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa batas na nagbabawal sa naturang platform. Itinakda ng korte na ang pagbabawal ay hindi lumalabag sa anumang mga amendment rights ng TikTok na may mahigit 170 million users.
Nakatakdang maupo si President-elect Donald Trump bilang Presidente ng US sa Enero 20 isang araw matapos maganap ang pagban sa TikTok kung saan nakasalalay ang hinaharap ng naturang platform sa kamay ni Trump.
Bagamat dating sinuportahan ni Trump noong 2024 ang mga hakbang upang ipagbawal ang TikTok sa America, ngunit ipinaabot naman nito na sinubukan niyang ipagpaliban ang pagpapatupad nito.
Sa isang panayam sa CNN, binigyang-diin niya na kaniyang inaasahan ito at marapat lamang aniya na igalang ang desisyon ng Korte Suprema.
Dagdag pa nito na kailangan niyang maglaan ng panahon upang suriin ang sitwasyon bago gumawa ng panibagong mga desisyon tungkol sa kalagayan ng TikTok. Binanggit din niya na nakipag-usap siya tungkol sa platform kay Pangulong Xi Jinping ng China, pati na rin ang mga isyu sa kalakalan.
‘My decision on TikTok will be made in the not too distant future, but I must have time to review the situation,’ ani Trump.
‘It is my expectation that we will solve many problems together, and starting immediately,’ dagdag ni Trump sa kaniyang post sa social media.
Sinabi naman ni incoming national security Mike Waltz na ginagawa ni President-elect Donald Trump ang iba pang mga paraan upang ma-‘preserve’ ang TikTok para sa mga amerikanong nais pa itong i-access at gayun gin aniya ang pagprotekta sa kanilang mga personal data.
‘I don’t want to get ahead of our executive orders, but we’re going to create the space to put that deal in place,’ pahayag ni Waltz.
NAGAGAMIT UMANO ANG TIKTOK PARA MAGKOLEKTA NG MGA DATOS
Ang pangunahing dahilan kung bakit nais ng US na ipagbawal ang TikTok ay may kinalaman sa mga alalahanin sa seguridad, partikular na ang posibilidad na ginagamit umano ng naturang app ang makalikom ng datos para sa mga layuning pagmamanipula.
May mga pangamba ang US na ang Chinese government, sa pamamagitan ng parent company na ByteDance, ay maaaring magkaroon ng access sa mga personal na impormasyon ng mga Amerikano.
Ang mga alalahaning ito ay lalong lumakas pagkatapos ng mga isyu ng data privacy at ang mga potensyal na banta sa pambansang seguridad ng Estados Unidos.
Bukod dito, may mga pangamba rin tungkol sa posibilidad ng paggamit ng app para sa pagpapakalat ng disinformation, na maaari ring magdulot ng epekto sa mga demokratikong proseso, tulad ng mga halalan.
Kaya’t ganoon na lamang ang hakbang na ginagawa ng mga mga opisyal sa US laban sa TikTok bilang bahagi ng pagsusumikap na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at mapanatili ang pambansang seguridad nito.
Ang huling layunin ng pag-pagbawal ay upang maprotektahan din ang mga gumagamit mula sa mga posibleng epekto ng hindi umanong ligtas na paggamit ng app.
Pero una nang itinanggi ng TikTok CEO na si Shou Zi Chew na ang TikTok ay hindi umano nagbabahagi ng pribadong datos at ‘walang koneksyon sa Chinese Communist Party at iginiit na ang platform ay ginagawa ang lahat ng paraan upang tiyakin ang kaligtasan ng 170 milyong Americanong gumagamit nito.
‘Building what amounts to a firewall to seal off protected U.S. user data from unauthorized foreign access. The bottom line is this: American data stored on American soil, by an American company, overseen by American personnel,’ ani Chew.