Maging ilang local celebrities ay apektado sa umano’y pambabalewala ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong banggain at abandonahin ng isang Chinese vessel ang isang Philippine boat sa West Philippine Sea.
Tulad na lamang ni Bianca Gonzalez na sinabing “nakakadurog ng puso” ang naging sitwasyon ng sariling mga kababayan.
Nabatid na halos tatlong oras na nagpalutang-lutang sa karagatan ang 22 Filipino fishermen na papauwi na sana sa San Jose, Occidental Mindoro, nang mangyari ang insidente noong June 9.
Diretsa ring inalmahan nina Agot Isidro at Kiana Valenciano ang sinabi ng Pangulo na simpleng “banggaan lang” ang nangyari sa pagitan ng Chinesel vessel at Philippine boat sa West Philippine Sea.
“What happened in Recto Bank is a sampling of what will happen (or maybe happening already) to our whole country.
We are being bullied by the Chinese, leaving us pretty much on our own.
And guess who’s being friendly with the bully? Go figure,” ani Isidro.
Kinuwestyon din ni Jasmine Curtis-Smith ang sinasabing pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na “daplis” lang ang sinapit ng lumubog na Philippine boat.
Una rito, inihayag ni Pangulong Duterte na hihintayin muna niyang magkaroon ng pormal na imbestigasyon sa nangyaring “maritime incident” bago siya gumawa ng anumang aksyon.
“Banggaan lang ng barko ‘yan. Do not make it worse because that’s a fertile ground for…
Alam niyo yan mga sundalo, miscommunication ‘yan, patay na. And we are not yet as ready and we can never be ready in a nuclear war.
Because in a nuclear war, kung bitiwan lahat yan, earth will dry up and we will all be destroyed, and that is the end of everything,” bahagi ng speech ni Duterte sa anniversary ng Philippine Navy kahapon.