-- Advertisements --

Napagdesisyon na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang pagdagdag pa ng mga manlalaro.

Sinabi nito na nagkaroon ng problema ang bilang ng mga manlalaro noong sila ay nagtamo ng injury sa kasagsagan ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Isa sa mga pinag-aaralan nito ay ang pagkakaroon ng 12 manlalaro at 12 na mga reserves.

Giit nito na kung maari ay mananatili sa 12 manlalaro ang ilalagay niya subalit nagkaroon ng malakihang desisyon ng noong nagtamo ng mga injuries ang ilang Gilas players.

Magugunitang noong last minute ng FIBA Olympic Qualifying Tournaments ay tinanggal nila sa listahan si Scottie Thompson matapos na magtamo ito ng injury kaya naiwan lamang sa 11 manlalaro ang Gilas.

Dagdag pa nito na malalaman ang desisyon hanggang sa buwan ng Nobyembro bago ang pagsisimul ang FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.