-- Advertisements --

Handang tapusin na ng Barangay Ginebra ang semifinals series nila ng NorthPort.

Hawak kasi ng Ginebra ang 3-0 na kalamangan sa best- of-seven PBA 49th Season Commissioner’s Cup semifinals.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone, na hindi na nila sasayangin ang pagkakataon na nasa kanila ang momentom kaya handa nila itong tapusin ang laro na gaganapin ngayong gabi ng Miyerkules sa Araneta Coliseum.

Bagamat hawak nila ang kalamangan ay hindi umano ito nagkukumpiyansa dahil marami din ang maaring mangyari sa laro.

Magugunitang sa tatlong laro ng dalawang koponan ay hindi nakakalamang ang Batang Pier at umaabot pa sa mahigit 20 ang kalamangan ng Ginebra.