Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand.
Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao.
Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na ipahiram ang 6’10” na si Quiambao na makapaglaro laban sa New Zealand at Hong Kong.
Sa unang window kasi ng 2025 FIBA Aisa Cup Qualifiers ay nagtala ng 15 points, tatlong rebounds, dalawang assists at isang steal si Quiambao.
Sa panig ng New Zealand ay magkakaroon ng sila ng bagong coach na si Jude Flavell.
Pinalitan ni Flavell si Pero Cameron na nagretiro matapos na tanggapin ang alok na maging coach ng Ningbo Rockets sa Chinese professional league.
Makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa araw ng Huwebes habang ang Hong Kong naman sa araw ng Linggo.