-- Advertisements --

Hindi maitago ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang pananabik sa muling pagsabak ng Gilas Pilipinas para sa 2025 FIBA Asia Cup.

Sinabi nito na handang-handa na ang koponan lalo na at kasama nila sa Group D ang mga pamilyar na koponan na kanilang nakaharap noon pa.

Sa nasabing grouping kasi ay kasama nila ang New Zealand, Chinese Taipei at Iraq.

Sa last window ng FIBA Asia Cup noong nakaraang Pebrero ay kapwa tinalo ng Gilas ang New Zealand at Taipei.

Habang ang Iraq ay matagal ng hindi nila nakaharap na ang huling pagkakaharap nila ay noon pang 2017 ng talunin nila ang mga ito pero sa ibang mga lineups o manlalaro.

Sa mga susunod aniya na linggo ay maaring ilabas ni Cone ang inisyal na mga lineups na kaniyang isasabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula sa buwan ng Agosto.