-- Advertisements --
Inamin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.
Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame.
Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo de Manila University star ay isa sa mga back-up kay Brownlee dahil sa kabisado na nito ang mga galawan ng Gilas.
Base kasi sa FIBA ruling ay isa lamang dapat na naturalized player ang maaring maglaro sa bawat bansa.
Umaasa rin ang Gilas coach na magiging malusog at walang anumang injury ang mga manlalaro nito sa pagsisimula ng laro nila sa darating na Nobyembre 21 at 24.