Pinapanatili ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na magiging masigla at walang injury ang kaniyang manlalaro sa pagsabak sa FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero 20 at 23 sa Taiwan at New Zealand.
Sinabi ni Cone na hanggang maari ay magiging magaan lamang ang kanilang mga gagawing ensayo para hindi magtamo ng anumang injury ang kaniyang manlalaro.
Sa susunod kasi na linggo ay lalahok din ang Gilas Pilipinas sa 2nd International Friendly Basketball Championship na gaganapin sa Pebrero 14 sa Doha, Qatar.
Makakaharap nila ang Qatar, Egypt at Lebanon sa nasabing laban.
Ilan sa mga iniingatan niya ay hindi mapagod ng husto si naturalized player Justin Brownlee at AJ Edu na galing lamang sa injury.
Itinuturing ni Cone na ang nasabing friendly game sa Qatar ay bahagi ng kanilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers na unang makakaharap nila ay Taiwan sa Pebrero 20 at New Zealand naman sa Pebrero 23.
Mayroon malinis na record na apat na panalo at wala pang talo ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers.