-- Advertisements --
Humingi ng pang-unawa si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa mga fans ni naturalized player Justin Brownlee.
Marami kasi ang nakapuna sa hindi gaanong magandang ipinakita ni Brownlee kaya hindi nakuha ng Gins ang kampeonato sa katatapos na Governors Cup.
Ayon kay Cone na maaring labis lamang ang kapaguran ni Brownlee dahil sa nagmula pa ito sa Indonesia at doon naglaro.
Susunod naman nito ay sisimulan na nila ang ensayo para sa Gilas Pilipinas.
Sasabak kasi ang Gilas sa FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21-24 laban sa New Zealand at Hong Kong na gaganapin sa bansa.
Matapos din ang tatlong araw ay magsisimula na agad ang Commissioner’s Cup.
Itinanggi rin ni Cone na nagkaroon hamstring injury ang naturalized player ng Gilas.