-- Advertisements --

Labis na nag-aalala si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa tinamong leg injury ng kanilang sentro na si Kai Sotto.

Nakamit ni Sotto ang nasabing injury habang naglalaro sa 2024-25 season ng Japan Basketbal League.

Makikita sa simula pa lamang ng laro ay bigla na lamang natumba si Sotto at hawak ang tuhod habang namimilipit sa sakit.

Dahil sa wala pang katiyakan kung tuluyang makakabalik sa paglalaro si Sotto ay bukas pa rin ang option nito sa ilang manlalaro.

Ilan sa mga pinagpipilian niya ay sina Japeth Aguilar at Mason Amos.

Sasabak kasi ang Gilas sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Ang dalawa ay kasama sa listahan ng Gilas mula ng hawakan ni Cone ang national basketball team.

Ngayong kaaga pa lamang ay naghahanda na si Cone sa maaaring mangyari kay Sotto.