Inamin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na naging mabagal ang paglalaro ng mga Gilas player sa unang araw nila sa training camp sa Laguna.
Ito ang naging assesment ni Cone matapos ang ginawang workout at mga shoot around bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.
Naintindihan aniya nito ang iba dahil sa galing pa sa paglalaro sa Japan Basketball League habang ang iba sa East Asia Super League at sa PBA.
Hindi naman nababahala si Cone kahit na ilang araw na lamang ang natitira bago ang pagsisimula ng mga laro.
Inaasahan nito na mabilis na makabawi at matoto ang mga Gilas players.
Halos kumpleto ang manlalaro ng Gilas na sila ay nakibahagi sa ensayo.
Sa darating kasi ng Nobyembre 21 ay makakaharap nila ang New Zealand habang sa Nobyembre 24 ay ang Hong Kong.