-- Advertisements --

Nais panatilihin pa rin ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang ipinatupad nitong programa at mga manlalaro sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup sa buwan ng Agosto.

Ito ay kasunod ng mga pagkatalo sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at sa 2nd Doha International Cup.

Sinabi nito na mahalaga na panatilihin ang mga manlalaro kahit na aminado nito ng nahirapan siya sa kawalan ni Kai Sotto na nagtamo ng torn anterior cruciast ligament (ACL).

Giit nito na hindi magbabawas o magdadagdag ang Gilas depende na lamang sa mga kasalukuyang manlalaro nito kung nais nilang manatili sa national team.

Ilan kasi sa balakid kapag nagdagdag ng mga manlalaro ay ang budget ganun din ang oras na pagbiyahe para makapag-ensayo.

Magugunitang matapos ang panalo sa Qatar ay nabigo ang Gilas sa Egypt at Lebanon sa nagdaang friendly gam sa Doha.

Maging sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers ay bigo sila sa kamay ng Chinese Taipei at New Zealand.