-- Advertisements --

Kasunod ng naging pagkatalo ng Dallas Mavericks na nakalipas na NBA Finals 2024, sinumulan na rin ng koponan ang ilang mga pagbabago.

Batay sa inisyal na ulat sa NBA, isinapinal na ng Dallas ang pag-trade sa beteranong swingman na si Tim Hardaway Jr. kapalit ng bagitong si Quentin Grimes ng Detroit Pistons.

Kalakip ng magiging trade kay Hardaway ay ang tatong mga draft picks sa mga susunod na taon.

Kinabibilangan ito ng isang 2025 second-round pick at dalawang 2028 second-round picks

Si Hardaway ay isang 11-yr veteran sa NBA, hawak ang 14.4 points, 3.2 rebounds and 1.8 assists per game average noong nakalipas na season.

Bagaman isa siya sa mga maaasahang banko ng Mavs noong regular season, hindi niya gaanong nagampanan ang kanyang role sa nakalipas na playoffs run ng koponan.

Sa naturang playoff, nagrehistro lamang siya ng 4.4ppg, 3.2 rpg, at 1.8ppg.

Samantala, si Grimes ay ang No25 pick noong 2021. Bagaman nasa kabataan pa lamang sa edad na 24, naging limitado lamang ang kanyang paglalaro dahil na rin sa injury sa kanyang tuhod habang naglalaro sa Detroit.