Dumanas ng pagkatalo ang Western Conference no. 1 team na Minnesota Timberwolves mula sa kamay ng New Orleans Pelicans.
Naging mahirap para sa Wolves na pigilan si Pelicans bigman Zion Williamson na gumawa ng 36 big points matapos maipasok na 13 shots mula sa 17 attempts.
Maliban kay Zion, maganda rin ang opensang ipinakita ng iba pang pelicans players: 23 points mula kay CJ Mc Collum, 20 points kay Brandon Ingram, habang 14 points 13 rebounds ang kontribusyon ni Jonas Valanciunas.
Bagaman hindi nagkakalayo ang per quarter scores ng dalawang malalakas na Western team, naging agresibo ang Pelicans sa huling kwarter at nagawang magpasok ng 31 points kontra sa 21 points lamang ng Minnesota.
Nalimitahan lamang sa 17 points ang pinakamataas na individual score ng Minnesota kung saan tatlong players nito ang nagtala ng naturang score: Karl Anthony Towns, Mike Conley jr., at Naz Reid.
Sa kabila ng pagkatalo, hawak pa rin ng Wolves ang no.1 spot sa West habang pang-sampu ang pelicans namay kartadang 12 panalo at 11 talo.