Bagamat isang buwan na lamang ang nalalabi sa 2020 NBA draft hindi pa rin umano natutukoy ng Minnesota Timberwolves kung sino ang kanilang No. 1 pick na angat sa lahat.
Ayon kay Timberwolves president of basketball operations Gersson Rosas maaring bago ang Nov. 18 ay makapili na sila.
Nakatoka sa Wolves ang top pick na kanilang gagawin sa ikalawang magkasunod na taon makaraang mangulelat sa magkasunod din na season.
“There’s no guy that has separated himself from the pack from public or external view,” pag-amin pa ni Rosas.
Liban sa top pick nasa kamay din ng Minnesota (19-45) ang 17th at 33rd draft picks.
Kung maaalala si Karl-Anthony Towns (2015) ang nasungkit ng Timberwolves sa No. 1 overall noon.
Samantala, puspusan na umano ang ginagawa ng Minnesota na pagbusisi sa kanilang pipiliin gayundin pag-interview, at iba pang mga hakbang bilang paghahanda sa draft night sa Nov. 19.