Hindi nagpatinag si Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves sa tinaguriang legends ng Phoenix Suns sa kanilang paghaharap.
Ang Phoenix kasi ay may tatlong All-Stars na kinabibilangan nina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal.
Sinasabing si Durant mismo ang naging idolo ni Edwards sa kaniyang paglaki at sa paglikha nito ng pangalan sa NBA.
Pero pinatunayan nitong kahit ang kaniyang tinitingala ay kaya niyang lagpasan, kung saan 40-point ang kinamada nito sa performance para sa 122-116 victory ng Minnesota.
Sa huling bahagi ng laro, nagkaroon pa sana ng pagkakataon ang Suns na humabol ngunit tinapos ni Edwards ang serye sa isang impresibong dunk.
Si Durant ay umiskor naman ng 33 puntos, ngunit hindi ito naging sapat para mapigilan ang isang first-round sweep sa pangalawang pagkakataon sa tatlong season.
Malaki rin ang papel ni Booker na may 49 puntos, at gumawa ng 20 sa kanyang 21 free throws.
Ngunit ang ikatlong miyembro ng Big 3, si Beal, ay umiskor lamang ng siyam na puntos.
Bunsod ng pagkabigo ng Suns, naalis na sila sa playoffs ng NBA.