Sa wakas nakaisa na rin ng panalo ang Minnesota Timberwolves matapos ang ika-11th sunod na talo.
Pero kinailangan nila ang dalawang overtime games upang makalusot sa Sacramento Kings sa pamamagitan ng double overtime, 105-104.
Doble trabaho rin ang ginawa ni Andrew Wiggins na may 18 points, 10 rebounds, seven assists at sa tulong nina Gorgui Dieng na may 21 points at 15 rebounds, at ni Robert Covington na nagtapos sa 19.
Bago ang game mula pa noong November 27 ay hindi pa nakatikim nang panalo ang
Minnesota (11-19).
Sa pagkakataong ito ay na-upset nila ang Sacramento at nalimitahan lamang sa 11 points sa fourth quarter kahit wala ang kanilang superstar na si Karl-Anthony Towns, na umabot na sa limang straight games na hindi nakakalaro dahil sa left knee sprain.
Sa kampo naman ng Kings (12-19) nanguna si Richaun Holmes na nagtala ng 20 points at may career-high na 18 rebounds.
Nagpadagdag pa sa kamalasan ng Kings ang pagkawala ni De’Aaron Fox na umalis sa games kahit may dalawang minuto pa ang lamang ang nakakalipas dahil sa back spasms.
Umabot na rin sa 17 mga games na hindi nakalaro ang point guard ng Sacramento bunsod naman sa ankle injury ngayong season na kanyang natamo sa practice.
Sa next home game ng Timberwolves ay haharapin nila ang Cleveland sa Linggo.
Habang host naman ang Kings sa Phoenix Suns.