-- Advertisements --

Tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers, 117-95, sa Game 1 ng kanilang NBA Western Conference first-round playoff series noong Sabado.

Nanguna si Jaden McDaniels sa Timberwolves na may 25 points, habang nag-ambag si Anthony Edwards ng 22 points, 8 rebounds, at 9 assists.

Bagamat nauuna ang Lakers na nakakuha ng pitong puntos sa unang quarter, agad namang bumawi ang Timberwolves nang hanggang 27 points. Nakapag-record sila ng 21 three-pointers sa playoff, na siyang bagong franchise record. Pumapangalawa si Naz Reid na may 23 points mula sa bench.

Sa kabila ng 37 points mula kay Luka Doncic, at 19 points ni LeBron James, nahirapan ang Lakers na makabalik at hindi nakapag-adjust sa physical game ng Timberwolves.

Sa ibang banda, tinalo naman ng Denver Nuggets ang Los Angeles Clippers, 112-110, sa overtime. Ang New York Knicks naman ay nagtagumpay laban sa Detroit Pistons, 123-112, habang ang Indiana Pacers ay nanalo rin laban sa Milwaukee Bucks, 117-98.