-- Advertisements --

Napigilan ng Minnesota Timberwolves na ma-sweep sila ng Dallas Mavericks sa Western Conference finals.

Ito ay matapos na makuha ng Timberwolves ang 105-100 na panalo sa Game 4 na ginanap sa homecourt ng Dallas.

Nanguna sa panalo si Anthony Edwards na nagtala ng 29 points, 10 rebounds at siyam na assists habang mayroong 13 points at 10 rebounds si Rudy Gobert para mabuhay pa ang tsansa ng Minnesota na makapasok sa finals.

Nasayang naman ang nagawang 28 points, 15 rebounds at 10 assists ni Luka Doncic habang mayroong 13 points sin Kyrie Irving.

Inamin ni Dallas head coach Jason Kidd na nahirapan sila na tapusin ang laro at naging kumpiyansa lamang sila kaya tinalo sila ng Timberwolves.