Inamin ng Minnesota Timberwolves star na si Karl-Anthony Towns na babalik siya sa kanyang ikaanim na NBA season na mabigat ang loob.
Ayon sa 25-anyos na si Town, maraming pagsubok na raw ang kanyang dinaanan mula pa noong buwan ng Abril nang mamatay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon.
Kuwento pa niya, sa nakalipas daw na walong buwan, marami na umanong mga kabaong ang kanyang nakita.
Liban kasi sa ina, anim pang mga kaanak din ang sunod-sunod na nasawi at kahapon naman ay huling pumanaw ang kanyang tiyunin dahil pa rin sa deadly virus.
Ang tatay naman ni Anthony ay tinamaan din ng COVID at swerteng nakaligtas.
Ngayong darating na weekend simula na ng preseason games ng NBA.
“I’ve been through a lot, obviously starting out with my mom,” ani Towns. “I’ve seen a lot of coffins in the last seven months, eight months.”