-- Advertisements --

Pinili ng Minnesota Timberwolves bilang kanilang numero unang pick si Anthony Edwards sa ginanap na virtual 2020 NBA Draft.

Si Edwards, 6-foot-5, isang 220-pound guard ay mula sa Atlanta ay dating naglaro sa kolehiyo sa Georgia.

NBA B

Makakasama niya sa Timberwolves ang mga bata ring players na sina NBA star center Karl-Anthony Towns at point guard D’Angelo Russell.

Kaya naging No. 1 pick si Edwards ay dahil sa nakakabilib daw nitong record kung saan dati itong nanguna sa Division I freshmen na may 19.1 points per game gayundin bilang Southeastern Conference Freshman of the Year.

Ang Golden State Warriors naman ay kinuha nila ang center na si James Wiseman bilang No. 2 pick.

Si Wiseman ay higanteng 7-foot-1, na naglaro ng three games noong last season sa University of Memphis.

Umaasa ang koponan na lalakas ang Warriors at makakasama rin ang mga veterans na sina Draymond Green, Stephen Curry at ang injured na Klay Thompson.

NBA D

Ang Charlotte Hornets ay kinuha naman nila ang guard na si LaMelo Ball.

Si Ball ay nakababatang kapatid ni New Orleans Pelicans guard Lonzo Ball.

Una itong umani ng atensiyon dahil sinasabing magaling ito magdala at magpasa ng bola na mahalaga naman bilang dagdag star power sa pagbangon ng Hornets.

Sa No. 4 pick, nasungkit naman ng Chicago Bulls ang Florida State forward na si Patrick Williams.

Matapos ang Bulls agad namang kinuha ng Cleveland Cavaliers sa fifth pick ang Auburn wing na si Isaac Okoro.

Si Okor ay nag-average ng 12.9 points, 4.4 rebounds at 2.0 assists noong huling season.

Dati na rin itong napasama sa All-Freshman at All-Defensive teams.

Narito pa ang ibang highlights sa draft na kadalasan ay ginaganap sana tuwing buwan ng Hunyo pero sa dahil sa pandemya ngayon lamang ito naisagawa:

NBA E

Atlanta Hawks – Onyeka Okwongwu, C, USC

Detroit Pistons – Killian Hayes, PG, France

New York Knicks – Obi Toppin, PF, Dayton

Washington Wizards – Deni Avdija, SF, Israel

Phoenix Suns – Jalen Smith, PF, Maryland

San Antonio Spurs – Devin Vassell, SG, Florida State

Sacramento Kings – Tyrese Haliburton, PG, Iowa State

New Orleans Pelicans – Kira Lewis Jr., PG, Alabama

Boston Celtics – Aaron Nesmith, SF, Vanderbilt