Naging mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Complex matapos mapaulat na doon nanatili si Vice President Sara Duterte, matapos dumalaw sa kaniyang chief-of-staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Si Lopez ay una nang na-detain matapos ipa-cite in contempt ni Rep. France Castro.
Nilinaw naman ng mga opisyal ng Kamara na natulog ang bise presidente sa silid ng kaniyang kapatid na si Rep. Paolo Duterte.
Narito ang timeline ng pananatili sa Batasan Complex ng pangalawang pangulo:
9:00am (Nov. 21, 2024) – Nakatanggap ng pasabi ang HREP mula sa OVP na dadalaw si VP Sara Duterte sa kaniyang chief-of-staff
12:00noon (Nov. 21, 2024) – Dumating ang advance party ng bise presidente sa Batasan Complex
2:10pm (Nov. 21, 2024) – Sumulat si VP Sara kay Chairman Chua na payagan siyang manatili sa kinaroroonan ni Atty. Lopez
8:00pm (Nov. 21, 2024) – Dumating sa Kamara si VP Sara Duterte
10:00pm (Nov. 21, 2024) – Nagtungo si VP sa tanggapan ng kaniyang kapatid na si Rep. Paolo Duterte at doon nagpalipas ng magdamag
Umaga ng Nov. 22, 2024, kinumpirma ng Kamara na nanatili doon sa Batasan Complex si VP Sara