-- Advertisements --

Bibisita sa Pilipinas ang Ministro ng Timor Leste na si Bendito dos Santos Freitas ng tatlong araw simula ngayong Lunes Agosto 19 hanggang sa Miyerkules, Agosto 21.

Dito, magpupulong sina DFA Secretary Enrique Manalo at dos Santos Freitas upang talakayin ang kasalukuyang estado ng bilateral at multilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste, gayundin ang palitan ng pananaw sa regional at international developments.

Ito ang unang pagkakataon na opisyal na bibisita sa Pilipinas si dos Santos Freitas mula nang maupo ito bilang foreign minister.

Una rito, matagal nang hinahangad ng Timor-Leste na ganap na kilalanin bilang ika-11 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bagay na suportado naman ng Pilipinas.