-- Advertisements --
Ibinasura ng Court of Appeals ng Timor Leste ang motion for reconsideration na inihain ng pinatalsik na mambabatas na si Arnolfo Teves Jr na baligtarin ang desisyon na pagpayag sa extradition.
Ayon sa Department of Justice na ito ang ibinigay na impormasyon sa kanila ng prosecutor general ng Timor-Leste.
Hindi na nagbigay pa ang DOJ ng karagadagang detalye ukol sa desisyon ng korte.
Magugunitang noong Hunyo ng pinayagan ng appellate court sa Timor Leste ang request ng gobyerno ng Pilipinas para sa pag-extradite kay Teves na inaresto sa Dili noong buwan ng Marso matapos ang Interpol red notice.