Pinayagan ng gobyerno ng Timor-Leste ang extradite request ng gobyerno ng Pilipinas kay dating Negros Oriental 3rd Dist. Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon sa Department of Justice, na ito na ang pangalawang beses na pinayagan ng gobyerno ng Timor Leste.
Resulta ito aniya sa ginawang procedural objections ng kampo ni Teves.
Naniniwala ang DOJ na pantay ang ginagawang pagtrato ng judicial system ng Timor-Leste.
Pinuri din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Justice Department ng Timor-Leste para makamit ang real-time Justice.
Magugunitang mahaharap sa 10-counts of murder, 14 counts ng frustrated murder at four counts ng attempted murder sa ilalim ng Revised Penal Code si Teves.
Pinaghahanap siya ng korte dahil sa pagpatay kay Governor Roel Degamo o kilala sa Pamplona Massacre.