-- Advertisements --
Ipinababatid ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na kanselado ang timpalak na Ulirang Guro sa Filipino 2020.
Batay sa naging anunsiyo ng KWF, “isinaalang-alang nila ang kasalukuyang sitwasyon na pagkakaroon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagiging dahilan ng limitadong paggalaw at access sa komunikasyon ng mga tao, partikular ang mga guro.”
Samantala, makatatanggap naman ng liham ang mga gurong nagpadala na ng lahok para sa taóng ito.