-- Advertisements --

Gumamit umano ng sledgehammer ang magnanakaw para itangay ang gawang ginto na toilet sa Blenheim Palace, England na nagkakahalaga ng £2.8 million o nasa mahigit P2 billion ayon sa isang report.

Ang toilet, na may pamagat na ”America” ay gawa ng Italian Artist na si Maurizio Cattelan, na i-exhibit sana sa Oxfordshire isang lumang bahay nang mangyari ang pagnanakaw noong madaling araw ng Setyembre 14, 2019.

Tinatayang may bigat na 98kg ang naturang golden toilet at mayroong 18-carat na fully functional at may insurance na $6 million.

Kinilala ang isang suspek ng pagnanakaw na si Michael Jones, 39-taong gulang mula sa Oxford ngunit itinanggi ang akusasyon.

Habang dalawa pang lalaki ang kasama nito na kinilala ng korte na sina Frederick Sines, 36-taong gulang mula Winkfield, Berkshire, at Bora Guccuk, 41-taong gulang, mula sa London at itinanggi rin ang akusasyong kasabwat umano sa pagbenta ng naturang golden toilet.

Sa paglilitis na isinagawa sa Oxford Crown Court, iniwan umano ng mga magnanakaw ang mga sledgehammer sa lugar dahilan para gamiting ebidensiya laban sa kanila. Gumagamit rin umano ang mga suspek ng salitang “car” bilang code para sa ninakaw na ginto na nakipag-ugnayan naman sa isang jeweler sa Hatton Garden.

Maingat na pinlano umano ng mga suspek ang pagnanakaw, kung saan limang lalaki ang nagtulong papasok sa nakasaradong mga pintuan ng Blenheim Palace bago mag alas-5 ng umaga, gamit ang dalawang ninakaw na sasakyan.

Dito binangga na umano ng mga ito ang isang bintana para makapasok sa loob kasabay na binuksan ang pinto ng kwarto kung saan matatagpuan ang golden toilet at saka inalis ito, iniwan ang tubig na umaagos mula sa mga tubo, at mabilis na tumakas sa loob lamang ng limang minuto.

Paglalarawan ng isang Prosecutor na ang pagnanakaw ay mabuting pinagplanuhan umano.

‘Clearly such an audacious raid would not have been possible without lots of preparation,’ ani Prosecutor Julian Christopher KC isa sa mga naghahawak ng kaso.

Samantala umamin naman ang isa sa mga kasamahan ng mga ito na kinilala ng korte na si James Sheen, 40-taong gulang, sa kasong pagnanakaw at kasabwat upang ibenta ang ginto.

Patuloy naman ang ginagawang paglilitis para sa mga suspek, at sa kabilang banda itinanggi nina Doe at Guccuk ang pagtulong sa pagbebenta ng ninakaw na ginto.