-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin.

Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyaln ng Vatican.

Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit.

Maging si Venezuealan archbishop na si Edgar Pena Parra ang deputy secretary of state ay nagpositibo rin sa COVID-19 subalit siya ay asymptomatic.

Dagdag pa ni Bruni na ang kapwa mga opisyal ng Vatican ay bakunado na laban sa COVID-19.