Namataan sa coastal ng Zambales ang isang dambuhalang barko na tinaguriang “monster ship” ng Tsina.
Kinumpirma ito ng spokesperson ng Philippine Coast Guard na si Commodore Jay Tarriela.
Kung saan, ibinahagi niya na ang naturang barko ay may tiyak na lokasyon sa layong 77 nautical miles mula sa coastal area ng Zambales.
Ayon pa sa kanya, ang mas malapit na presensya ng monster ship ay bago lamang at hinihinala pang ito ay sinadya sapagkat nakapokus lamang ang operasyon sa 4th dash line ng Chinese coast guard.
Sinabi din ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela, naniniwala sila na ang hakbang ito ng Chinese Government ay upang ma-normalize ang kanilang presensya sa buong area.
Kaya naman inihayag ng naturang spokesperson ng Philippine Coast Guard ang mariing pagtutol ng bansa sa ginagawang pagpasok ng Chinese Coast Guard.
Ito ay upang ipakita na rin sa buong mundo na hindi kukunsintihin ng gobyerno ng Pilipinas ang iligal na presensya ng monster ship 5901.