-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umani ng positibong reaksyon ang ginawa ng isang good Samaritan sa India upang tulungan ang mga kababayan na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay si Shahnawaz Sheikh na tinaguriang ‘Oxygen Man’ sa Mumbai, India.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Abhishek Kumar, isang Indian Engineer sa New Delhi, sinabi nito na ibinenta ni Sheikh ang kanyang SUV na nagkakahalaga ng P1.4 million upang ipambili ng 160 oxygen cylinders.

Ito anya ang nakikitang paraan ng Oxygen man upang hindi na maulit pa sa ibang tao ang nangyari sa kanyang maybahay na namatay dahil sa kulang ang kanyang oxygen.