-- Advertisements --

Nakalaya na matapos maghain ng piyansa ang tinaguriang San Roque 21 na inaresto matapos na magsagawa ng kilos protesta noong Abril 1.

Ayon sa Save San Roque Alliance, na nagkaroon lamang ng bahagyang aberya sa pagproseso ng piyansa dahil sa dami ng mga kailangang dokumento.

Tinulungan sila nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan ilang mga artista gaya nina Ria Atayde, Enchong Dee at ilan pa para sa mga kakailanging pera.

Magugunitang inaresto ang nasabing mga protesters matapos magsagawa ng kilos protesta dahil sa sinasabing pinapabayaan sila ng gobyerno.