-- Advertisements --

Dinumina ng Jazz ang laban sa pangunguna ng sophomore bench na si Brice Sensabaugh na nagpasok ng 27 big points habang 20 points naman ang iniambag ng batikang si Collin Sexton.

Sa panalo ng Jazz, muli ring gumawa ang sentrong si Walker Kessler ng double-double performance: 17 rebounds at sampung puntos.

Nagawa ito ng Jazz sa kabila pa ng hindi paglalaro inina Lauri Markkanen, John Collins, at Jordan Clarkson, ang itinuturing na top-scorer ng naturang koponan.

Hindi naipakita ng Magic ang dati nitong firepower sa naging banggaan ng dalawang team at nalimitahan lamang sa ilang puntos ang kanilang karaniwang nagsisilbing bilang top team scorer: 12 points ang ipinasok ni Cole Anthony habang nakakadismayang 2 points, 2 rebs, at 2 assists lamang ang naging kontribusyon ni kentavious Caldwell-Pope.

Ang tanging nanguna sa opensa ng koponan ay ang bench at bagitong si Jeff Howard na nagpasok ng 21 points.

Tulad sa Jazz, hindi rin naglaro ang mga itinuturing na top scorer ng Magic tulad ng Wagner brothers(Moritz at Franz), Jalen Suggs, at Magic star Paolo Banchero.

Sa ikalawa at ikatlong kwarter ng laro, nalimitahan lamang ang Magic sa below-20 points (18 points sa 2nd, 19pts sa 3rd) na labis namang sinamantala ng Jazz upang iposte ang siyam na puntos na kalamangan pagpasok ng 4th quarter.

Pinilit naman ng Magic na bumangon sa huling quarter ngunit hindi nila ito nagawa, bagkus lalo lamang tumaas ang lead sa pamamagitan na rin ng magandang depensa ng koponan.

Ito ang ika-16 na pagkatalo ng Magic ngayong season habang tangan na nito ang 21 panalo.

Ito naman ang ika-siyam na panalo ng Jazz habang 25 na ang nalasap nitong pagkatalo.