-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang nagtapon sa isang fetus sa gilid ng kalsada sa Brgy. Ravina Sur, Sibunag, Guimaras.

Ayon sa mga residente na nakakita, isang babae at lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang nag-iwan ng tinatayang limang buwang fetus na binalot ng lampin.

Mismo si Sibunag, Guimaras Mayor Anabelle Samaniego ang nagdala ng fetus sa simbahan upang bendisyunan ng pari.

Nagpagawa rin ng nitso ang alkalde upang mabigyan ng disenteng libing ang fetus.