-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P412,080 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad sa Purok Central, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad naaresto ang suspek na si Adonis Enelo Alay, 48, residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P412,080.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.