-- Advertisements --

CEBU – Tinatayang aabot sa P8 million na halaga ng mga fully grown marijuana plants ang nabunot ng otoridad sa Sitio Kalugtongan, Barangay Pangamihan sa lungsod ng Toledo.

Ginawa ang naturang operasyon dalawang araw matapos tinambangan ng mga hinihinalang marijuana planters ang tatlong police officers ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Cebu Police Provincial Office na ikinasugat ni PMSg Douglas Maravillas matapos itong nabaril.

Sa ginawang follow up operation ng pulisya, nakuha ang 20,000 na marijuana plants kabilang na ang mga baril at granada sa lugar. Samantalang arestado naman ang suspek na si Jennelyn Conoseda Cabiles ngunit nakatakas umano ang mga kasama nito na sina Argie Cabiles, Diovenal Cabiles at Eduardo Cabiles.

Tinutugis na ng Cebu Provincial Police Office ang naturang mga indibidwal samantalang inihanda na ang kakaharaping kaso ng na-aresto at hiniling na rin ng otoridad sa korte ang paglabas ng warrant para sa ikaka-aresto ng mga nakatakas na suspek.

Maaalala na nangyrai ang enkuwentro sa pamamagitan ng otoridad at ng mga hinihinalang marijuana cultivators noong nakaraang araw nang ginawa ng operatiba ang kanilang surveillance hinggil sa report na may mga marijuana plants sa bulubunduking bahagi ng Toledo City, Cebu.