CAUAYAN CITY- Bumagsak sa kulungan ang isang ginang matapos maaresto sa drug buy bust operation sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bayombong Police Station, inaresto ang itinago sa pangalang Myrna,48 anyos, isang tindera, balo at residente ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ang nasabing operasyon ng mga kasapi ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, Phil. Drug Enforcement Agency at Bayombong Police Station kung saan nahuli sa aktong nagtutulak ng illegal na droga ang ginang sa isang pulis na nagpanggap na Poseur Buyer.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang limang daang pisong buybust money, 2 cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa kanyang transaksyon at ilang Drug Paraphernalia.
Dati nang nakulong sa kaparehong kaso noong taong 2016 ang Ginang at nakalaya noong 2018 sa pamamagitan ng plea bargaining at naitala bilang street level individual target list ng PNP.
Ang ginang ay mahaharap sa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).