CEBU CITY – Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang Philippine National Police upang mahuli ang suspek na bumaril sa isang tindera sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, ng dahil umano sa utang.
Ayon kay Police Senior Master Sgt. Richard Alforque ng Lapu-Lapu City Police Station 4, mangungutang sana ang suspek na si Jose Aranas Jr., 47 anyos, sa tindahan na pagmamay-ari ng biktimang si Daisy Joy Aviles, 36-anyos.
Base sa imbestigasyon, tumanggi si Aviles kay Aranas na mangutang sa kanyang tindahan dahil may nakabinbin pa itong utang.
Sa galit ng suspek, umuwi ito pero agad bumalik na may dala ng armas na ginamit nito sa pagbaril sa biktima.
Tinamaan sa kanyang hita si Aviles na daling isinugod sa ospital, habang mabilis ding nakatakas ang suspek matapos na ang krimen.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang biktima sa ospital.