-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang tindero matapos na pagbabarilin sa Purok 4, Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Samy San Pedro, 44-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay sa tricycle ang biktima ng sunod-sunod itong paputukan ng baril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Samantala, sa insiyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang fire cartridges case mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente maging ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan ng nakatakas na suspek.