-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang tindero sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ariel Caballero Sabando,41 anyos,walang asawa at residente ng Purok 1 Barangay New Panay Aleosan Cotabato.

Ayon sa ulat ng Aleosan PNP na nagbabantay lamang ng tindahan ang biktima nang dumating ang apat na mga armadong kalalakihan at isa nito ang namaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay Tunganon Aleosan Cotabato.

Naisugod pa ang biktima sa Aleosan District Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon ay tukoy na rin ng Aleosan PNP ang namaril patay sa biktima at patuloy nilang iniimbestigahan.