-- Advertisements --

Dahil sa matinding pag-ulan sa Iran, naglabas na ng flood warning ang mga otoridad sa silangang bahagi ng bansa kung saan umabot na sa 76 katao ang namatay dahil sa pagtaas ng baha.

Simula noong Marso ay tinamaan na ng flash flood ang 25 probinsya sa Iran na naging sanhi upang paalisin ang mga taong nakatira sa mga apektadong lugar at pagkasira sa malaking bahagi ng agricultural sector ng bansa.

Ayon kay Interior Minister Abdolzera Rahmani-Fazli, tinatayang nasa $2.2bn hanggang $2.6bn ang halaga ng mga nasira dahil sa krisis na ito.

Patuloy naman ang pagpapadala ng tulong ni Iranian President Hassan Rouhani para sa mga nasalanta ng bagyo.