Nangunguna ang Tingog bilang top performing party-list, ito ay batas sa survey ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).
Ang Kinakatawan ng Tingog Party-List ay sina Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre.
Batay sa survey, ang Tingog ay nakakuha ng 93.5% mula sa survey na nilahukan ng 10,000 respondents sa buong bansa.
Ang survey ay mayroong error of margin na +/-1%.
Habang nasa ikalawang puwesto naman ang ACT-CIS na nakakuha ng 89.4% at ang pangatlo ang AGIMAT na may 88.6%.
Ang Tingog party-list ay binuo matapos ang paghagupit ng Super Typhoon Yolanda upang madala sa Kongreso ang mga isyu na kinakaharap ng rehiyon.
Nakasentro ang atensyon nito sa pagtulong at pagpapalago ang mga lugar na malayo sa kabihasnan.
Sa ngayon ang Tingog ay mayruong 70 Alagang Tingog Centers sa ibat ibang bahagi ng bansa na layon na mahatiran ng tulong ang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, makikita sa survey ang mga party-list group na nararamdaman o nakikita ng publiko na mayroong ginagawa.
Sinabi ni Martinez, sa pamamagitan ng survey, masasabi ng publiko ang pagiging epektibo ng mga kinatawan at ang kanilang pagganap sa mandato na ibinigay sa kanila ng publiko.
Lubos naman nagpasalamat sina Reps. Romualdez at Acidre sa tiwala na ibinigay sa kanila ng publiko at ng kanilang mga miyembro at nangako na gagawin ang kanilang makakaya upang mapabuti ang kanilang kalagayan ng mga ito.