-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Kasunod sa paggunita sa naging kasakit ni Hesus ngayong Huwebes Santos ay ang paghihinagpis din ng mga katutubong Aeta sa isla ng Boracay matapos na pinasok ng mga armadong guwardiya ang kanilang komunidad.

Nasa isang dosenang armadong kalalakihan ang biglang pumasok sa lupang pagmamay-ari ng mga katutubo mula nang ipinagkaloob sa kanila ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng programang pang-agraryo.//

Ayon kay Atty. Daniel Dinopol, legal counsel ng mga katutubo na ipinakita umano ng mga gwardiya ang dokumento mula sa Department of Agrarian Reform na nagsasabing kanselado na ang kanilang CLOA.

Ngunit nanindigan si Atty. Dinopol na hindi sila naniniwala na may pinal nang desisyon ang Court of Appeals dahil wala pa silang natanggap na order mula sa kalihim ng Department of Agrarian Reform na ipinanawalang bisa ang kanilang motion for reconsideration.

Maalalang may ilang claimants ang nagpetisyon sa DAR na kanselahin ang CLOA ng mga Aeta dahil ang ay “not suitable for agricultural purposes” batay sa pag-aaral ng Bureau of Soil Management ng Department of Agriculture bagay na pinaboran ng DAR central office.