-- Advertisements --

Hinikayat ng Malacañang ang mga magsusumbong sa TXT 8888 na ilagay ang kanilang pagkakakilanlan kung nais na makakuha ng reward o pabuya kapalit ng ipinarating nitong impormasyon ng anomalya laban sa isang tiwaling kawani o opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mananatili namang confidential ang identity ng mga tipster.

Ayon kay Sec. Roque, mahalagang may reference ang pamunuan ng TXT 8888 nang sa gayon ay madali itong makontak o ma-trace sakaling magpositibo ang reklamo nito laban sa isang kurakot.

Sa mga nais magsuplong ng mga korup na kawani at opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng text… itext lang C/pangalan….(kung gustong magpakilala)/ Concerned Government Agency/ saka i-type na ang kompletong detalye ng complaint at i-send na sa 8888.

Sa public address ni Pangulong RodrigoDuterte nitong Lunes, sinabi nitong
P20,000 cash incentive ang ibibigay ng gobyerno sa “tipsters” na makapagbibigay ng pangalan ng taga-gobyernono sangkot sa korupsyon.

Habang P10,000 naman ang reward na naghihintay sa impormanteng magre-report ng petty graft.