Lubhang nakababahala at hindi tama ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na siya ng assassin upang patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung may mangyari sa kanya, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Ayon Escudero, bilang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa, lagi niyang isaisip na mayroong siyang tungkulin na maging halimbawa sa kanyang mga tauhan sa Office of the Vice President (OVP), sa mga Pilipino, at sa mga bata.
Nanawagan din si Escudero sa mga kaalyado ni Duterte na payuhan ang bise na huwag magpahayag ng mga masasamang salita, kasunod ng kanyang “kill order” sa pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Inaasahan din ng Pangulo ng Senado na hihingi ng professional help si Duterte kung siya ay nahihirapan para maayos niyang magampanan ang kanyang mga tungkulin bilang bise presidente.
Giit pa ng senador, dapat nakatuon ang atensyon at enerhiya ng mga public officials sa pagtugon sa mga problemang kinahaharap ng bansa.
Nakiusap naman si Escudero kay VP Sara na i-review ang kanyang mga naging pahayag at aksyon laban sa administrasyon.
Ang mga naging pahayag ni Duterte ay makaraang iutos na ilipat mula sa House detention facility patungo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez
Sinabi ni Duterte na ang planong paglipat ay isang “attempted homicide.”