KALIBO, Aklan — Itinutulak ngayon ng isang grupo sa isla ng Boracay na nangangalaga sa kapakanan ng mga fruit bats o paniki na i-regulate ang operasyon ng mga helicopter tours at malakas na pagpapatugtog ng mga bangka upang hindi ma-istorbo ang kanilang tirahan.
Sa sulat na ipinadala ng Friends of Flying Foxes (FFF) sa Boracay Inter-Agency Task Force, Environment Secretary Roy Cimatu at LGU-Malay, nangangailangan ang mga paniki ng 200-meter na buffer zone upang hindi madisturbo ang kanilang pagtulog at “mating patterns†o pagpaparami ng lahi.
Hiniling rin ng grupo na karamihan ay mga conservation volunteers na magsagawa ang pamahalaan ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng mabilis na pagka-ubos ng populasyon ng paniki lalo na ang fruit bats sa Boracay na itinuturing ngayon na endangered species.