-- Advertisements --
Itinalaga sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang beteranong actor na si Tirso Cruz III.
Pormal itong nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang chairman at chief executive officer na siyang papalit kay LIza Diño.
Ayon sa actor, ikinagulat nito ang pagtatalaga sa kaniya sa puwesto.
Dagdag pa ng 70-anyos na actor na kahit ikinaguat nito ang pagpili sa kaniya ay itinuturing umano niya na isang karangalan ang pagsisilbi sa nasabing puwesto.
Nagulat din naman si Diño sa pagtatalaga kay Cruz dahil sa kakatapos lamang nito mag-renew ng kaniyang chairmanship ng hanggang 2025.
Gayunman, tinanggap nito ang desisyon ng Palasyo at handa nitong i-turn over ang pamumuno sa actor.