Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na “Kammuri” at binigyan ito ng local name na “Tisoy.”
Ito na ang ika-20 sama ng panahon na pumasok sa karagatang sakop ng ating bansa.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, hindi pa ito agad direktang mararamdaman sa alinmang parte ng bansa, ngunit maaari na silang magtaas ng tropical cyclone signal warning bilang babala sa mga lugar na posibleng maapektuhan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.
Nagbabanta ito sa Bicol region at maaaring tumawid hanggang sa western section ng Luzon.
Nakataas na ang signal number one sa mga sumusunod na lugar: Eastern Samar, eastern section ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig at Las Navas)